Inang Bayan
aking bayang iniwan, masakit man ang katwirankailangan kitang iwan, para sa aking kapakanan
sariwang damo doon sa kanluran
tinawagan ako, dahil sila'y nangangailangan
kakalitong sistema, pilit pinag aralan
upang maging normal sa bayang pinuntahan
sang katerbang pasyalan, hindi kayang palitan
ang lungkot na nadarama, sa aking inang bayan
ala-ala'y dala dala, saan man aking kalagyan
kamot-kamot aking paa, pag ikay napaguusapan
darating ang panahon, ika'y babalikan
paglubog ng araw, ka-akbay nating pagmamasdan