Saturday, September 25, 2004

Inang Bayan

aking bayang iniwan, masakit man ang katwiran
kailangan kitang iwan, para sa aking kapakanan
sariwang damo doon sa kanluran
tinawagan ako, dahil sila'y nangangailangan

kakalitong sistema, pilit pinag aralan
upang maging normal sa bayang pinuntahan
sang katerbang pasyalan, hindi kayang palitan
ang lungkot na nadarama, sa aking inang bayan

ala-ala'y dala dala, saan man aking kalagyan
kamot-kamot aking paa, pag ikay napaguusapan
darating ang panahon, ika'y babalikan
paglubog ng araw, ka-akbay nating pagmamasdan

5 Comments:

At September 25, 2004 5:20 PM, Blogger fionski said...

Kuya Hussy gawa mo itong tulang ito?
Nakikita mo ba ang sarili mong pabalik upang manirahan ditong muli?

 
At September 25, 2004 9:30 PM, Blogger Huseng Busabos said...

Fionsky: Oo, nais ko pa rin bumalik sa atin. Ayaw ko naman uugod ugod sa retirement home dito pag dating ng panahon. iba pa rin yung ikaw ay nasa sariling bayan, nagkwe-kwentuhan sa kanto kasama ang iyong mga kaibigan. And yes,thish powem ish mine.. (pwede mo na akong isama sa iyong koleksiyon, he,he,he).

 
At September 26, 2004 9:59 PM, Blogger fionski said...

Ok ah. Nakakantig ng damdaming makabayan. Hehehe.
Aling collection po yon? Collection ng mga FAFAlets? Hehehe. Sige feature kita sa blog ko. Isip ako ng magandang theme para strong ang arrive!
;-)

 
At September 27, 2004 11:53 PM, Blogger BongK said...

kung may pagkakataon
ipunin ang baon
ilagay sa malaking maleta
ang sangkaterbang delata
uwi agad sa inang bayan
upang may pag tagayan..

(ano ba yan nasabi ko oo, nakakahawa ang Foem mo hehehehe, but you know you're missing a lot of good (as well as bad) stuff in the Pinas. uwi na!

 
At September 28, 2004 9:48 AM, Blogger Huseng Busabos said...

Bong K:
Salamat sa pag bisita at tama ka marami akong nami-miss sa atin. Marami pang lugar sa atin ang hindi ko pa napupuntahan - kasama iyon sa aking listahan na 400 things to do before i die. Salamat uli!

 

Post a Comment

<< Home